Matinding tagtuyot sa 2024

NASA pitumpu’t pitong porsiyentong (77%) bahagi ng Pilipinas ang sinasabing mahaharap sa matinding tagtuyot.

Ibig sabihin ay nasa 65 lalawigan sa buong bansa ang maaapektuhan nito sa susunod na taon.

Batay sa pagtataya ng Department of Science and Technology, ang buong Northern Luzon ay aabot sa hanggang 41 degrees centigrade ang mararanasang maximum temperature.

Posible umano ito sa Abril o Mayo ng susunod na taon at pinangangambahan pang aabot sa 5 to 15 degrees batay sa maitatalang heat index sa Northern Luzon.

Matinding responsibiliad ang nakaatang sa balikat ng Task Force El Nino na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagtama nito ay kailangang makakatiyak na sapat ang supply ng supply ng tubig at enerhiya gayundin ang kaligtasan at seguridad na may kinalaman sa kalusugan bukod pa ang food supply.