MAYROON kang tinatawagan sa cellphone upang makipag-usap at masabi ang iyong pakay.
Sa kabila na nagri-ring naman at paulit-ulit na pagtawag ay walang response o sagot ang tinatawagan, ano ang mga maaari mong isipin?
Kung hindi mo kaibigan o kilala ang iyong tinatawagan ay natural na wala ka sa phone book niya.
Iyon ang isa sa pwede mong isipin na kaya ka hindi sinasagot ay dahil ikaw ay wala sa kanyang phone book.
Mayroon talagang ganoon na hindi basta sumasagot agad sa phone call at hindi sila masisisi batay sa kanilang rason.
Pero ikaw ay sige pa rin sa katatawag kahit puro ring lamang at hindi sinasagot.
Tumatawag ka na ibig sabihin ay may sadya ka sa iyong tinatawagan.
Kung legal o nasa maaayos naman ang iyong sadya o pakay sa pagtawag ay maaaring idaan muna sa text message.
Magpakilala ka, ibigay ang complete name at kung saan ka connected gayundin ang pakay kung bakit ka tumatawag.
Halimbawa ay ako po si Juan dela Cruz, kawani ng (banggitin ang kumpanya o ahensiya kung saan kawani o tanggapan kung private company) at kaya po ako tumatawag ay para sa ipinasa ninyong application.
Iyan po ay sampol lamang at magagawa mong maibigay sa text message ang complete name, other information sa iyo at reason ng pagtawag kung ikaw ay hindi bogus.
Iyon bang wala kang hidden agenda na kaya gusto mo ay tawag lamang at walang text message ay dahil ikaw ay mayroong kakaibang pakay sa pagtawag.
Kapag nagawa mong magpakilala sa text message at maibigay any information sa iyo pati dahilan ng pagtawag ay tiyak na sasagot na sa tawag at ikaw ay kakausapin na ng iyong tinatawagan.
Maaaring isipin ng tinatawagan na kaya ayaw muna magtext at magpakilala ay dahil may ibang pakay ang tumatawag.
Kung totoo ang pakay subalit walang sagot sa phone call kahit nagri-ring ay ipapadaan sa text message ang pakay lalo kung ito ay mahalaga.
Tama po ba?