Mga Abusadong Riders, Siklista at Pedestrian

BAWAL ba huminto o magbagal at magbigay sa ibang mga motorista ang mga motorcycle riders at mga siklista na nasa mga pangunahing lansangan partikular dito sa Kalakhang Maynila?

 

Sa araw araw na pagbiyahe ko kapansin pansin ang tila hindi pagsunod sa Batas Trapiko ng mga motorcycle riders at mga siklista na ang pangkaraniwang ginagawa ay Disregarding Traffic Signal Lights at Illegal Counterflow, ang masaklap dun pa sila sa pagsalungat sa daloy ng trapiko.

 

Mabibwisit ka nga lalo na kung ikaw ay bumabaybay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Lungsod Quezon lalo na sa gabi, kung ikaw na motorista ay nasa inner lane at kinakailangan mo tumabi o pumasok sa isang establisyimento ay hindi mo magagawa dahil hindi ka pagbibigyan o palulustin ng mga damuhong kamote motorcycle riders at mga siklista na yan… subukan nyo mga Kaibigan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Operations Center at mga enforcers ng Quezon City Traffic and Transport Management (CTTM) na huwag gumamit ng mga marked vehicles at hindi naka-uniporme at subukan nyo tumabi sa Commonwealth Avenue galing sa inner lane papunta sa outer lane tingnan natin kung palulusutin kayo ng mga damuhong motorcycle riders at mga siklista na yan.

 

Pasalamat ang mga damuhong motorcycle riders at mga siklista na yan at wala na ako sa Traffic Enforcement / Traffic Management dahil kung nagkataon o kung sakali man na ibalik ako sa pagpapatupad ng Batas Trapiko dito sa Metro Manila talagang didisiplinahin ko kayo!

 

Galit na galit kayo sa mga traffic enforcers at sa mga pulis pag nasisita at nahuhuli kayo pero kayo ang numero unong lumalabag sa Batas Trapiko, pare-pareho kayo mga motorcycle riders at mga siklista na tuloy tuloy lang sa pagbiyahe sa mga kalsada at ayaw huminto kahit nakahinto na ang mga sasakyan o naka “Go Signal” ung nasa kabilang linya ng intersection.

 

Bakit kasi pinababayaan na lamang ito ng mga kaibigan natin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Operations Center at mga enforcers ng Quezon City Traffic and Transport Management (CTTM), nananawagan ako sa mga kinauukulan, sa mga namamahala sa mga Ahensya ng pamahalaan na nabanggit paki-aksyunan naman ang mga sinasabi ko dito lalo na ang kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quirino Highway na nasasakupan ng Lungsod Quezon. Hinahanap ko pa yung matalinong nagpanukala ng hinayupak na Bicycle Lane na yan at dun sa napaka bobo na sumang-ayon para maisakatuparan yan… mantakin nyo EDSA at mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung saan BAWAL NAMAN TALAGA DAPAT ang mga bisikleta nilagyan ng Bicycle Lane, saan ka naman nakakita ng ganyan, saan na po napunta ang mga UTAK NYO!? Kaya tuloy itong mga damuhong motorcycle riders at mga siklista kahit hindi kasya, sisiksik at sisiksik sa outer lane ng mga kalsada, tapos kapag nasagi mo ikaw pa na motorista ang may kasalanan at kung sila naman ang makasagi o makabangga sa iyo parang wala lang… ANO BA YAN!? Kailangan siguro na maibalik na ako sa Traffic Enforcement / Traffic Management para maisa-ayos ang lahat ng mga suliranin sa mga pangunahing kalsada dito sa Metro Manila.