NAKATUON din ang atensiyon ng gobyerno hinggil sa giyera kontra droga laban sa mga lider ng bawat lokal na pamahalaan at hindi lamang sa hanay ng kapulisan.
Pagkatapos ng paglilinis sa Philippine National Police ay next target ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng local chief executive.
Sinasabing may posibilidad na mapapahina at matutuldukan ang kalakaran sa operasyon ng iligal na droga kung walang padrino mula sa kapulisan lalo na sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Maaaring ito ay matatamo kung ipapairal ang kamay na bakal at hindi maghahari ang pagkiling o pagkampi sa bawat pinaghihinalaan.
Nakatatak na kasi sa isipan na halos pipitsugin o tila dilis lamang ang karaniwang nabibingwit.