Mga ROTC Cadets, may husay at galing sa Chess Event ng Philippine ROTC Games 2024

MEN AND WOMEN ROTC CHAMPIONSHIP NATIONAL FINALS GOLD MEDALIST CHESS STANDARD

NAPATUNAYAN nila Francois Marie Magpily, Navy Team ng De La Salle University sa women’s, men’s division Neil Vincent mag-aaral ng John B. Lacson College Foundation-Bacolod Philippine Navy ng kapwa sila tanghaling kampeon sa katatapos na Chess standard ng Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games National Championships, @ Cavite State University campus, Indang Cavite (REY NILLAMA)

 

 

Tagumpay, makulay at puno ng kasiyahan ang katatapos na Chess Event ng Philippine ROTC Games 2024 na ginanap sa Cavite State University, Indang, Cavite.

Ang kompetisyon ay nagtipon ng mga ROTC cadets mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa buong bansa, na nagtagisan ng galing at talino sa larangan ng chess.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay at teknik sa chess. Ang mga cadets ay naglaban-laban sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang individual at team events, at nagbigay ng magandang halimbawa ng disiplina at sportsmanship.

Sa pagbubukas ng torneo ay nagbigay ng mensahe ang Tournament Director ng palaro. Ayon kay International Arbiter Reden A. Cruz, “Dapat ilapat ang chess sa totoong buhay. Tulad sa larong ito, kailangan mong mag-isip muna bago ka gumawa ng hakbang.

Ang disiplina, konsentrasyon, at mga estratehiya na kinakailangan sa chess ay nagpapakita ng mga katangiang mahalaga para sa epektibong pamumuno at paggawa ng desisyon.”  Pahayag niya sa kanyang pambungad na pananalita.

Sa pagtatapos ng Standard Event, nakamit ni Francois Marie Magpily, Navy Team ng De La Salle University ang kampeonato sa Women’s Division ng ubusin ang lahat ng kalaban at nanatiling walang talo sa anim na round ng patimpalak. Ayon sa kanya, “Philippine ROTC games is a big opportunity for all the players especially for the students.

Mas magiging broad yung experiences sa kani-kanilang larangan. As an athlete representing our school, it is a great experience since it’s the first ROTC games in chess”.

Itinanghal naman na kampeon sa Men’s Division si Neil Vincent mag-aaral ng John B. Lacson College Foundation-Bacolod matapos talunin si Ebro Adam Verk Moncal sa huling round ng torneo.

Ang mga nanalo ay ginawaran ng medalya bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon at tagumpay.

Maituturing na ang Philippine ROTC Games ay nagpakita ng kahusayan at kasipagan sa pagsasanay ng mga ROTC cadets.

Sa naging tagumpay na pagpapatupad ng patimpalak ay nagpapatunay na ang mga kabataan ay maaaring magtagumpay hindi lamang sa larangan ng militar, kundi maging sa iba’t ibang larangan ng buhay.

Isinulat ni:
FIDE Arbiter John Eric C. Abaro