PATAY ang isang mister makaraaang nagbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Alfonso, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Mariano Jeciel y Reyes, ng Brgy Poblacion 5, Alfonso.
Sa ulat, nagkukuwentuhan ang ilang miyembro ng pamilya sa kanilang sala sa Brgy Poblacion 5, Alfonso, Cavite at nakarinig ng putok sa loob ng kuwarto ng biktima bandang alas-2:00 ng hapon.
Doon ay nakita ang biktima na nakadapang duguan at sa tabi ng paa ay nakita ang isang kalibre 38 na baril.
Nagsagawa ang pulisya ng forensic examination sa pinangyrihan ng insidente. GENE ADSUARA