Mitsa ng pagkitil ng buhay

UMABOT sa 17,550 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Lubhang mababa kung ikukumpara sa bilang na 112,772 noong 2021.

Ito ay batay na rin sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority.

Heart disease ang nanguna sa naging sanhi ng kamatayan ng mga Pinoy noong 2022.

Ikalawa naman na naitala ay ang sakit na tumor, ikatlo ang cerebrovascular at stroke, ikaapat ang diabetes habang panlima ay ang mga hypertensive diseases.

Kung paano iniiwasan at nilalabanan ang COVID-19 ay dapat ding isaalang-alang ang naturang five disease na mga pangunahing mitsa ng pagkitil ng buhay.