DINAKIP sa bisa ng warrant of arrest ang lalaking tinaguriang Most Wanted Person (MWP) sa Masbate City matapos natunton na nagtatago sa Gen Mariano Alvarez, Cavite.
Hawak ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Ronald M. Bersales, Presiding Judge, Regional Trial l Court, Fourth Judicial Region Branch 47, Masbate City, na inihain sa suspek na si alyas Boniper dahil sa kasong murder.
Una rito ay nakipag-ugnayan ang Mandaon Municipal Police Station, Masbate City Police Provincial Office (PPO) Provincial Regional Office (PRO) 5 sa Gen. Mariano Alvarez MPS matapos na nakatanggap ng impormasyon na nagtatago si Boniper sa Cavite.
Nagtungo ang puwersa ng Mandon MPS at GMA MPS sa Brgy Maderan, GMA, at inaresto si Boniper.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa suspek para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sinusulat ito ay pansamantalang nasa kustodiya ng GMA MPS si Boniper at pinoproseso ang mga dokumento pabalik sa point of origin sa Masbate City. GENE ADSUARA