Motorsiklo, kinalawit ng lalaking nakapantulog  

ISANG lalaking nakasuot lang ng pantulog ang tumangay ng nakaparadang motorsiklo na naiwan ang susi sa Gen Trias City, Cavite.

Inilarawan ang suspek  na nakaasuot ng blue na  pantulog na pantalon at blue t-shirt.
Sa salaysay ng biktima na si Bonife Proseso Jr., 25, commissary staff ng CHUM’S Restaurant,  iniwan niyang nakaparada ang kanyang blue na motorsiklo na Yamaha Mio sa harapan ng kanilang bahay sa  Blk1 Lot17-18 Ph3 Lavanya Subd. Brgy Bacao 2, Gen. Trias City, upang bumili ng sangkap para sa lulutuin bandang alas-2:15 ng hapon.
Inamin ng biktima na naiwan niya ang susi at ang OR/CR nito sa motorsiklo.
Pagbalik niya ay sinabi lamang ng kanyang kapatid na tinangay ng hindi nakilalang suspek ang  motorsiklo.
Agad itong ipinagbigay alam sa pulisya kung saan pinaghahanap ang suspek. GENE ADSUARA