MAYROONG isinusulong na panukalang batas na naglalayon ng pagpapatupad ng mandatory random drug test.
Saklaw dito ang mga nahalalal na kandidato at mga naitalagang opisyal ng pamahalaan.
Isinasaad sa panukala na ang pagsasagawa nito ay tuwing ikaanim na buwan.
Nais din na ang pagsisimula nito ay tatlong buwan o 90 araw bago ang nakatakdang eleksiyon.
Suspensiyon o agarang pagkakatanggal sa serbisyo ang sinasabing kaukulang kaparusahan sa mapapatunayang positibo sa paggamit ng iligal na droga.
Binabanggit sa panukala na dapat kahit ang pangulo ng bansa ay kasama rito.
Kung ang tinutukoy ay mga elected at appointed officials ng gobyerno ay kailangang mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang antas o posisyon sa pamahalaan.