Mundong moderno

MAINIT na usapin at talakayan ang tungkol sa phase out ng mga public jeepney at iba pang pampublikong sasakyan.
Bunsod na rin ito sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Iba’t ibang reaksiyon at kaliwa’t kanang mga pagtutol para sa naturang programa.
Napakaikling panahon na lamang ang nalalabi na kailangan ay ibayong pag-aaral para sa pagsasakatuparan.
Benepisyo na dapat matatamo ng bawat apektado partikular ang masa o mga mananakay.
Sinasabing nasa mundong moderno na tayo at napapanahon sa pagsabay sa mga upgraded na bagay.
Nararapat lamang na huwag kalimutan ang kapaki-pakinabangan.