Nagbabantay ng Tindahan, Sugatan sa Pamamaril

ISANG lalaki na habang nakabantay sa tindahan ay nilapitan at binaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa Cotabato City kamakailan.

Sinusulat ito ay nilalapatan ng lunas sa ospital ang 36-anyos na biktimang Saidona Tulag, may asawa, ng Barangay Poblacion, Cotabato City.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi naganap ang pamamaril sa biktima.

Kasalukuyang nagbabantay sa tindahan ang biktima at bigla umanong sumulpot ang suspek.

Sinasabing caliber 45 ang ginamit sa pamamaril ng suspek na nagawang makatakas dahil sa umano’y mayroong kasamang naghihintay na nakamotorsiklo.

Gumugulong ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek maging ng kasama nitong nakamotorsiklo gayundin ang motibo sa pamamaril sa biktima na nalagay sa malubhang kalagayan. RUBEN LACSA