Nakakagalit talaga

NAGTUNGO si ‘Juan dela Cruz’ sa medical clinic and laboratory sa bahagi ng Malate sa Maynila.

Ito ay sa pagpapaeksamin ng dugo pati na iyong para sa puso at iba pang lab test.

Umaga pa lamang ay nakitaan na ni Juan ng kawalan ng maayos na sistema ang naturang klinika kaya naman mabagal ang proseso.

Naroon na si Juan kaya no choice na siya kundi ang magtiyaga na lamang.

Ilang araw ay bumalik siya upang kunin ang resulta ng kanyang mga pinasuri.

Mga kinse minutos o 15 minutes pa bago ang breaktime o alas dose ng tanghali ay naroon na si Juan at kinukuha na sa counter ang mga resulta.

Sabi ng counter staff ay akyat daw siya para roon sa ECG result dahil iyon na lamang ang kulang.

Punta ng ikalawang palapag ng clinic si Juan para sa kanyang ECG result subalit sarado ang pinto dahil breaktime pero kung tutuuusin ay may halos sampung minuto pa sanang nalalabi bago ang alas dose.

Ano pa ba ang magagawa ni Juan kundi hintayin ang ala una pero ang masaklap after one hour ng paghihintay ay sasabihin ng ECG staff na ang resulta niya ay nasa ibaba na o nasa counter na.

Magulo ‘di ba?

Baba uli si Juan at sinabi sa staff ng counter na naroon na raw ang ECG result niya.

Sabi ng counter staff ay wait lang daw sandali.

Hehehe, sandali? Eh lagpas isang oras na roon si Juan.

Mga ilang minuto ang nakaraan ay tinawag na si Juan at ibinigay na ng staff sa counter ang lahat ng resulta ng kanyang mga pinaeksamin.

Nakakagalit naman talaga.

Ang punto rito ay hindi makakaranas ng ganoon si Juan o maghihintay ng sobra-sobrang tagal kung aayusin lamang ang trabaho.