NAKAAMBA ang plano ng Senado sa pagsasakatuparan ng imbestigasyon kaugnay sa noon ay isyu ng giyera kontra droga.
Gumugulong ang imbestigasyon tungkol sa drug war sa House Quad Committee.
Nakakagimbal ang rebelasyon dahil malalaking tao at mismong dating pangulo ng bansa ang iniuugnay sa usapin.
Inihayag ang pagpapatupad ng nagdaang administrasyon ng sinasabing Davao model.
Dito ay iginigiit na mayroong nakalaang pera o malaking halaga bilang pabuya sa mga pulis na makakapatay ng mga drug suspect.
Maraming Juan dela Cruz ang nagtaas ng balikat sa balaking ito ng Senado.
Kinokonsiderang napakalalim na paghuhukay ang kinakailangan para makagawa ng isang balon.