AWAY pamilya ang hinihinalang motibo kaya pinagsasaksak ng anak ang sariling ina habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas Roderick, 39, may-asawa, walang trabaho, na tumakas matapos pagsasaksakin ang sariling ina na si alyas Amy, 58, balo, mananahi; kapwa residente ng Sitio Kuliglig, Brgy Dulong Bayan, Bacoor City.
Sa ulat, natutulog umano ang biktima bandang alas-4:00 ng madaling araw.
Dumating anak nito at kumuha ng kutsiyo na pinagsasaksak ang kanyang ina.
Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Binakayan and Medical Center .
Nabatid na hindi umano nagkakasundo ang suspek sa kanyang pamilya at sinasabing ito ang dahilan ng pananaksak sa ina.
Kasong Frustrated Parricide ang kinaharap ng suspek GENE ADSUARA