Isang klasikong halimbawa ng pagbibigay pag-asa sa mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamumuno ni PMGEN JONNEL C ESTOMO ay ang patuloy na pagtataguyod nito sa kapakanan ng bawat pulis sa ilalim ng kanyang liderato. Malinaw na nakikita, pinahahalagahan at nadarama ang kampanya at internal cleansing ng NCRPO para labanan ang katiwalian sa loob ng organisasyon ng PNP at alisin ang lahat ng nagkakamali na pulis at police scalawags sa hanay nito. Tinitiyak ni Heneral Estomo na ang bawat pulis NCRPO ay nagnanais ng pagbabago sa puso.
Ayon sa datos, mula 2019-2022 ay mayroong humigit – kumulang na 72 tauhan ng NCRPO ang isinailalim sa restrictive custody habang nakabinbin ang imbestigasyon ng grave administrative o criminal charges na isinampa laban sa kanila.
Subalit 47 sa mga ito ay nakabalik na sa kani-kanilang mga PNP Units sa utos ni General Estomo matapos mapatunayan na walang record ng kasong administratibo o anumang pagkakasangkot sa mga isyu ng iregularidad, anomalya o anumang kaso na isinampa laban sa kanila.
Mula sa natitirang 25 na pulis NCRPO, apat (4) dito ang natanggal sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, paglabag sa RA 9165, RA 10591, RA 7610, at violation of acts of lasciviousness.
Samantala, isang (1) tauhan ng PNP NCRPO ang tinanggal sa serbisyo dahil sa paglabag sa honor code, ang pulis na ito umano ay nagkamali sa paggamit ng pondo ng kanilang Class Fund at pagbabago ng ilang mga dokumento. Tatlo (3) ang na-demote dahil sa extortion / pagtanggap ng drug payroll money. Dalawa (2) ang sinuspinde ng 59 araw dahil sa grave misconduct para sa illegal discharge of firearms, maltreatment, at less grave misconduct dahil sa paglabag sa RA 11332 at disobedience.
Limang (5) tauhan ng PNP NCRPO ang sinuspinde ng 60 araw, dahil sa umano’y conduct unbecoming of a police officer for intercepted liquor and tobacco at violation of RA 3019. Tatlo (3) ang sinuspinde ng 180 araw dahil sa conduct unbecoming of a police officer for extortion at illegal discharge of firearm. Habang anim (6) na pulis NCRPO ang pinawalang-sala sa mga kasong conduct unbecoming a police officer for intercepted liquor and tobacco at robbery extortion.
Patuloy naman nakabinbin ang status ng isang PNP personnel habang sinusuri pa ang kanyang kaso na simple dishonesty.
Sa kanyang mensahe sinabi ni PMGEN Estomo, “we have stepped up our efforts to cleanse the rank of NCRPO as part of our commitment in improving the level of discipline, competence, and effectiveness of our personnel.
On his part, General Estomo had this message to everyone, “the road to internal cleansing might be long but with the assistance and support of everyone, the internal cleansing effort of the NCRPO will not be in vain.”