NCRPO Lingkod ng Mamamayan

“Start it Right! End it Right!” Kapag maganda ang simula sigurado maganda din ang kahihinatnan. Ngayon ang ika-10 araw sa panungukulan bilang Acting Regional Director ng National Caiotal Region Police Office (NCRPO) ni POLICE BRIGADIER GENERAL JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ Jr o kilala sa tawag na “Tateng” subalit kapansin pansin ang ilang mumunting pagbabago sa Metro Manila Police Force.

 

Bilang pasimula inatasan ni GENERAL NARTATEZ ang Directors ng Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Southern Police District (SPD) at Quezon City Police District (QCPD) na pag-ibayuhin ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan. Makipag-ugnayan sa mga stakeholders, sa pamahalaang lokal, sa Simbahan at sa mga mamamayan. Naniniwala si GENERAL NARTATEZ na kapag maganda ang samahan ng pulis at ng mga mamamayan magiging madali na para sa mga pulis ang sugpuin ang kriminalidad dito sa Kalakhang Maynila.

 

Naka-angkla ang mga programa ni GENERAL NARTATEZ alinsunod sa 5-focused agenda ni POLICE GENERAL BENJAMIN ACORDA Jr. ang kasalukuyang Chief PNP at kay Retired GENERAL RODOLFO S AZURIN Jr na naglalayong ilapit ang serbisyo ng pulisya sa mga mamamayan. Kaya hindi nakakagulat ang suporta na ibinigay nina POLICE MAJOR GENERAL JONNEL ESTOMO at POLICE MAJOR GENERAL BERNIE BANAC kay NCRPO chief GENERAL NARTATEZ dahil alam nila ang kakayahan ng kanilang ka-Mistah na kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw Diwa Class of 1992.

 

Ang aking pagsaludo at pagbati kina BRIG. GEN. RONALD OLIVER LEE, acting Director for PNP Human Resources and Doctrine Development (HRDD); POLICE BRIGADIER GENERAL SAMUEL CAMARISTA NACION, acting Director, Philippine National Police Academy (PNPA); POLICE BRIGADIER GENERAL ALAN MOLINTAS NAZARRO, Director, PNP Highway Patrol Group; POLICE MAJOR GENERAL JON ARNALDO, Directorate for Intelligence (DI); POLICE MAJOR GENERAL MARIO REYES, Directorate for Logistics (DL); POLICE MAJOR GENERAL ERIC NOBLE ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) at siyempre kay POLICE BRIGADIER GENERAL REDRICO A MARANAN ang Public Information Officer ng Philippine National Police.