ARESTADO ang tinaguriang No. 7 Most Wanted Person (MWP) Regional Level sa CALABARZON ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maragondon, Cavite Linggo ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Michael Cubillo y Cabarrios, 45, binata, cook, ng Brgy Poblacion I-A, Maragondon.
Sa ulat, dakong alas-4:39 ng hapon ay nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG Cavite PFU (na siyang lead unit) at Cavite PMFC sa Brgy Poblacion 1-A, sa bisa ng warrant of arrest na insiyu ni Hon. Ralph S. Arellano, Presiding Judge ng RTC Branch 132, Naic, na may petsang January 9, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Art 266-A (2) in relation to Sec 5(B) ng RA 7610 at Lascivious Conduct under Sec. 5(B)ng RA 7610 (4 counts).
Ang suspek ay nangangailangan ng P1 milyong na piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-Cavite . GENE ADSUARA