ISANG malugod na pagbati sa matagumpay at makabuluhang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Publishers Association of the Philippines Inc.
Kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nanumpa ang mga opisyal ng PAPI nitong Marso 14 sa Palasyo ng Malakanyang.
Pinangunahan ang panunumpa ng aming pangulo na si Mr. Nelson Santos.
Ako po ay kasapi ng naturang asosasyon, a proud member of PAPI.
Labis ang pasasalamat ng PAPI kay President Marcos Jr. kasabay na rin ng pagtiyak ng asosasyon ng suporta sa kasalukuyang administrasyon.
Batiin ko na rin si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil sa ipinalabas na kumpirmasyon ng Commission on Appointments sa kanyang appointment bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office nitong Marso 15.
Sabi nga ni CA panel chairperson Negros Oriental 2nd District Rep. Manuel Sagarbarria, karapat-dapat si Atty. Garafil bilang PCO Secretary dahil sa pagiging dating mamamahayag nito.
Dating journalist ang ating PCO Secretary, way back early 1990’s ay minsan ko na rin nakasama sa beat of assignment si Atty. Garafil.
Sa broadsheet newspaper noon si Secretary Garafil habang ako naman ay nagsusulat sa isang daily tabloid.
Nakakatuwa na ang dating nakasama ay tumatahak sa ibang direksiyon.
Bukod kay Secretary Garafil ay marami pa rin tayong dating nakasama sa beat of assignment at kahit sa mismong newspaper na ngayon ay matagumpay na sa kanilang mundong ginagalawan.
Dapat naman na tayo ay maging proud sa ating nakasama o mga nakakasama.
Kung maaari ay huwag ‘saksakin’ ng patalikod na dapat pa nga ay paggabay sa bawat kasama.
Muli, congrats Sec. Garafil at mabuhay ang PAPI.