Online lending company

ANG mga lending company ay isa lamang sa mga takbuhan ng mga nagigipit sa pinansiyal.

Nagpapahiram ng pera ang ganitong kumpanya subalit may kaakibat na ilang requirements partikular ang nakasaad na tubo.

Mayroong mahigpit na paalala sa mga lending company ang Securities and Exchange Commission.

Bunsod ito sa sinasabing dumaraming kumpanya na nagiging abusado.

Abusado sa pamamagitan ng ginagawang pagbabanta sa mga hindi nakakabayad ng utang sa takdang oras.

Higit na pagtutuunan ng pansin dito ay ang mga online lending company na dinadagsa ng reklamo.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pananakot o pagbabanta sa pamamaraan ng paniningil sa pautang batay sa ilalim ng Financial Products and Services Consumer Protection Act.