Online Seller, Tiklo sa ‘Bato’

TIKLO ang 40-anyos na online seller na nakuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite. Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jaimeelyn Manuel y Murcilla, alias “Jenny”, dalaga, ng Brgy Kaingin, Bacoor City na naharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Sa ulat, dakong alas 2.50 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng SOU 4A PNP DEG, at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor CPS laban sa suspek sa harapan ng SYM Motors Conrado Complex, Aguinaldo Highway Brgy Niog I, Bacoor City.

Narekober sa suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P680,000; boodle money at analog na cellphone.

Nabatid na isang bakla umano ang nag-alok sa kanya kung gusto nitong kumita kapalit ng P2,000 at idi-deliver lamang ang isang package sa naturang lugar kung saan naaresto. GENE ADSUARA