P.5-M paputok, sinira    

TINATAYANG mahigit sa P.5 milyon halaga ng mga iligal na paputok na naunang kinumpiska ang sinira sa idinagawang Simultaneous Ceremonial Disposal of Illegal Firecrackers sa Camp BGen Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite.

Pinangunahan ang hosing down at water submersion ni Police Colonel Dwight Alegre, acting Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO) kasama ang command at provincial staff, mga miyembro ng Bureau of Fire Protection at mga representative ng Local Government Unit.

Kabilang sa mga nakumpiskang mga illegal na paputok at pyrotechnic materials ay mula sa walong lungsod at 15 bayan sa lalawigan.

Ang seremonya ay alinsunod sa Executive Order No. 28 o Providing for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers ang other Pyrotechnic Devices at Republic Act 7183 o An Act Regulating the Sale , Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Sa kabuuan ay may P503,853.00 milyong pisong halaga ng iba’t ibang uri ng paputok na kinabibilangan ng Judas belt, whistle bomb, Fountain, kwitis, sawa, five star, fountains, baby rockets, crying cow, triangulo, lucis, piccolo ang nakumpiska sa buong lalawigan.

Habang mahigit sa 1 libong mga boga naman ang nakumpiska din sa lalawigan at karamihan sa mga nahulihan nito ay mga menor de edad.

“Ang lungsod ng Bacoor ang pinakamarami sa mga nahulihan ng mga iligal na paputok habang ang lungsod ng Dasmarinas naman ang may pinakamaraming boga na aming nahuli,” ayon kay Col Alegre. (Gene Adsuara)