P3.4 MILYONG HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA CAVITE; BIGTIME NA ‘TULAK’ SWAK  

TINATAYANG P3.4 million halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos naaresto ang hinihinalang big time na tulak sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite. 

Nasa kustodiya ng Bacoor Component City Police Sation ang suspek na si alyas Zahura .

Sa ulat, bandang alas-01:15 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office RO) National Capital Region (NCR), PDEA RA IV-A RSET,  Regional Police Drug Enforcement Unit  4A at Bacoor Component City Police sa  No. 25 Balangay Avenue Villa Esperanza, Molino 2, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. 

Narekober sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P3,400,000.00, buy bust money, cellular phone at isang Philippine Passport. GENE ADSUARA