KUMPISKADO ang nasa P34 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawa katao na naaresto sa buy bust operation at nakuhanan pa ng baril at granada sa Sta Ana, Manila kamakailan.
Kinilala ang dalawang suspek sa mga alyas na Boss, 39; at Jhon 30; kapwa residente ng lungsod.
Ang matagumpay na operasyon ay batay sa pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLt.Col. Dionelle E. Brannon, station commander Sta. Ana Police (PS6) at pinangunahan ni PCpt. MOISES E. GARCIA, chief SDEU, at ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service (PDEA SES) sa pangunguna ni Agent Allan Capiral.
Nakumpiska sa dalawa ang 5 kilo na pinaniniwalaang shabu na may kaukulang halaga na humigit kumulang Thirty Four Million Pesos (Php. 34,000,000.00) isang kalibre 45 baril, at dalawang magazine loaded with 14 pieces of caliber 45 live ammunition.
Gayundin ang isang kalibre 38 na baril na may limang (5pcs) caliber 38 live ammunition, at isang granada.
Ang buy bust ay isinagawa sa panulukan ng Del Pilar St. cor. M. Roxas St. Brgy. 881 Zone 97, Sta. Ana.
Naharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (5 KILOS OF SHABU), R.A. 10591 (2 SHORT FIREARMS and Ammunition) at R.A. 9516 (illegal possession of hand granade) ang dalawang suspek na nasa kostodiya ng MPD PS6. (Istorya at larawan ni Christian Heramis)