NASABAT ng mga operatiba ni PLtCol. Roberto Mupas, commander ng Manila Police District Binondo-Station 11, ang nasa P4.7M halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Soler St. cor. Rizal Ave. Sta. Cruz, Manila.
Pinangunahan ni Station Drug Enforcement Unit chief, PLt. Marvin Flores, ang inilatag na operasyon upang masawata ang umano’y source ng droga sa Sta. Cruz at mga karatig distrito ng lungsod.
Nasakote ang suspek na si Anday Suna, alyas Anday, 51, tubong Cotabato City at kasalukuyang residente ng Barangay 304, San Miguel, Quiapo.
Nakumpiska sa suspek ang 700 gramo na apat na pakete ng plastic ng hinihinalang shabu at tinatayang nasa P4,760,000.00 ang halaga.
Nakaditine ang suspek sa MPD Binondo Station 11 kaugnay ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng R.A. 9165.
Matatandaang ilang bigtime drug lord na din ang natimbog ng mga pulis-Binondo
sa mga buy bust operation na ikinasa na masusing pinag- aralan at minatyagan sa pakikipagtulungan ng barangay at komunidad alinsunod sa gabay ni MPD Director PBGEN. Tom Ibay bilang pagtalima sa programa ni NCRPO Regional Director PMGEN. Melencio Nartatez Jr. (Christian Heramis)