Pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng National Press Club  

KWENTUHAN, kumustahan, kulitan, biruan at iba pa.

Ilan sa mga tagpo sa pagkita-kita ng mga mamamahayag nitong Mayo 5.

Kaugnay ito sa idinaos na halalan ng National Press Club, na nagkaroon naman ng advanced voting noong May 3.

Siyempre ay kabilang ang inyong lingkod sa nakipagkuwentuhan, kulitan, kumustahan, biruan at iba pa bilang isang miyembro ng NPC na bumoto rin.

Ipaabot natin ang pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng NPC.

Leonel Abasola ng Philippine News Agency ang nanalong NPC president.

Benny Antiporda, vice president; Tina Maralit ng Manila Times, secretary; Mina Navarro ng Abante, treasurer; at si outgoing NPC President Lydia Bueno bilang auditor.

Ang mga Board of Directors ay sina Aya Yupangco ng DWIZ; Alvin Murcia ng Daily Tribune; Benedict Abaygar ng Pilipino Mirror; Gina Mape ng DWWW; Madz Dominguez, Dennis Napule at Jeane Lacorte ng Abante; Eduardo Reyes Jr. ng Remate; Jun Mendoza ng Philippine Star; at Atty. Ferdinand Topacio ng DWIZ.

Mabuhay ang NPC.