Pagbawi sa pagtuturo

NAGING usapin ang pahayag mula sa Department of Education hinggil sa pagpapatupad ng mga online class sa halip ng pagsusupindi sa klase.

Ito ay kapag nakakaranas ng hagupit ng bagyo o iba pang uri ng kalamidad.

Kagaya nito mga nakaraan na magkasunuran ang dalawang bagyong nanalasa sa bansa.

Mahalaga ang kaalaman sa bawat mag-aaral gayunman ay ang katanungang sa gitna ng bagyo o kalamidad ay ang sistemang pagpapairal ng online class.

Dumaranas ng masamang kondisyon dulot ng bagyo hindi lamang ang mga estudyante bagkus maging ang mga guro o ang bawat isa ay apektado.

Pagkatapos ng bagyo o kalamidad ay sikapin at mas mainam na matitiyak ang tamang recovery o pagbawi sa pagtuturo sa mga mag-aaral.