Nagsagawa ng walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila, Manila Police District (MPD) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ito’y bilang paghahanda sa gagawing Traslacion bilang bahagi ng pista ng Poong Itim na Nazareno sa darating na Enero 2025.
Nagsimula ang aktibidad sa Quirino Grandstand at tatahakin nito ang kaparehas na ruta noong nakaraamg taon na Traslacion hanggang makarating sa simbahan ng Quiapo.
Isa sa pangunahing layunin ng walkthrough ay matiyak na maayos at walang probela ang daraanan para sa kaligtasan ng lahat sa daraanan ng prusisyon. Ayon kay MPD Dir. Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila ang mga dapat gawin bukod sa seguridad na kanilang ilalatag.
Aniya, makikipag-ugnayan sila sa iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang tumulong na maisayos ang daraanan ng Traslacion.
Ilan sa mga dapat gawin ay ang pagsasa-ayos ng mga lubak na kalsada, mga nakalaylay na kable, punding ilaw sa poste at iba pa na makakasagabal sa prusisyon.
Inaasahan naman ng pamunuan ng Quiapo Church, Mpd at Manila Lgu na milyun-milying deboto ang makikibahagi sa pista ng Itim na Poong Nazareno sa susunod na buwan. (Larawan at istorya ni Christian Heramis)