PAGHIHIGPIT na WALA SA LUGAR

WALANG problema kung ang paghihigpit ng mga kinauukulan ay nasa ayos at nasa lugar. Pero kung ito naman ay tila mayroong kinikilingan o mas pinapaboran, teka muna…

 Tulad na lamang halimbawa sa University of the Philippines (UP) partikular sa Diliman Campus at sa nasasakupan ng Barangay UP Campus sa ilalim ni Punong Barangay Zenaida P. Lectura mantakin nyo BAWAL na BAWAL daw pumasok sa kanilang teritoryo ang mga militar at pulis, Opo BAWAL pero ang mga tao na medyo sabihin na natin na mga halang ang kaluluwa at baluktot ang pananaw sa buhay ay PWEDE as in PWEDE.

 Kamakailan lamang ay mayroong naganap na umano’y Rape Incident diyan mismo sa loob ng UP Campus sa Diliman, diyan sa bakanteng lugar malapit sa baseball / softball field ng unibersidad sa  Yllanan Street, University of the Philippines Campus, Quezon City. Isang kawawang a 5th year college student ng Applied Physics, UP ang nabiktima ng isang lalaki na sinasabing armado ng patalim o “bladed weapon”. Naganap ang insidente dakong alas 10:50 PM nito lang July 1, 2023. Mantakin nyo napaka-higpit ng mga security diyan ung mga tauhan ng UP Diliman Police (UPDP) Campus na kahit duon sa kabilang bahagi ng Commonwealth Avenue sa likod ng UP Techno Hub ay nakakarating, oo sabihin na nating pag-aari ng UP ung lugar pero hindi nangangahulugan na PWEDE nyo na pagbawalan ang mga militar at pulis na mamasyal diyan sa Pook Arboretum. Matagal na pong usapin yan, ang punto ko dito BAKIT KAYO MAG-HIHIGPIT SA MGA MILITAR at PULIS pero sa mga criminal HINDI. At tsaka, government property ang UP di ba?

 Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasabing insidente sa katunayan ay pinangunahan pa nga ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang pagsasagawa ng ocular inspection at walkthrough sa crime scene para matiyak kung safe ng aba talaga ang lugar. Ang mga operatiba naman ng QCPD Police Station 9 (Anonas) sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Reynaldo Vitto ay nagsasagawa ng continuous follow-up operation para sa ikalulutas ng kaso.