PAGKAPAHIYA o SADYANG MAYABANG

ISA ito sa mga sinasabi ko, ano ang mas nakakahiya, yung mahuli ka dahil sa isang Traffic violation o arestuhin ka dahil sa isang mas malalang sitwasyon? Mga kasama, hindi porket pulis o miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay EXEMPTED ka na o pwede ka na maghari-harian sa kalsada lalo na kung hindi ka naman talaga naka-assign sa Traffic at lalo’t higit kung hindi ka naka-uniporme.

Kamakailan ay nag viral sa social media ang naganap na engkwentro sa pagitan ni Master Sergeant Ramos Guina ng Manila Police District (MPD) at ni Ginoong Mark Luzuriaga, isang traffic enforcer ng City Traffic and Parking Management Office (CTPMO) ng Lungsod ng Navotas.

Master Sergeant Ramos Guina ng Manila Police District (MPD) ano na ang nangyari sa iyo? Saan ka ba nag PSBRC at ganyan ka? Anak ng pusang kano, maiintindihan ko kung Patrolman ka pa lang ehh pero Master Sergeant ka na bopol ka pa din? Yung kagaspangan ng ugali mo, kayabangan mo ang maglalaglag s aiyo? naka-droga ka ba nung mangyari ang insidente?

Nung nakita at napanuod ko ung video, ako ang nahiya dahil s aiyo, imagine Master Sergeant ka pa lang, Police Colonel na yung kaharap mo pero kung umasta ka parang mas mataas ka pa sa kaniya. Alam mo ang nagpahamak sa iyo lalo Master Sergeant UNGAS? Ungas ka talaga Master Sergeant dahil kaharap mo na si POLICE COLONEL ALLAN UMIPIG, ang Chief of Police ng Navotas pero ang angas mo pa rin UNGAS!

At sino me sabi sa iyo Master Sergeant Ramos Guina na pwede ka manapak ng isang naka-unipormeng traffic enforcer dahil lang sa sinisita ka o hinuhuli ka dahil sa paglabag mo sa Batas Trapiko? Yan ang napapala ng mga pulis na katulad mo na hindi na-assign sa Traffic Unit, akala nyo ganun ganun lang ang mga naka-destino sa Traffic Unit.

Ako ang nahihiya dahil kinakailangan pa na mismong si Navotas City Police chief, POLICE COLONEL ALLAN UMIPIG ang humuli sa iyo. Napaka-tahimik ni COLONEL UMIPIG, isa sa masasabi nating proper na opisyal ng Northern Police District (NPD) tulad nina PCOL RUBEN LACUESTA ng Caloocan City Police Station at ng kanyang ACOPA na si PLTCOL BERNABE IRINCO.

At dahil sa kayabangan mo, Master Sergeant Ramon Guina, nagkaroon pa ng tensiyon nang hinuhuli ka na dahil sa pagtanggi mo na magpa-aresto (Desisting Arrest) at ayaw mo ibigay ang sling bag mo kung saan nakalagay ang iyong baril. Kung ako man ang nasa kalagayan nung Traffic Enforcer na hindi mo na nga ginalang, tinakbuhan mo na at sinapak mo pa, ewan ko lang baka hindi lang mura ang inabot mo.

Mabuti na lamang at desidido itong si Luzuriaga na ituloy ang kaso na “Assault Upon an Agent of a Person In Authority” laban sa iyo Master Sergeant Guina.

Magsilbing aral sana ito sa lahat ng mga pulis, sundalo, bumbero, mga taga Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation (NBI), mga Lawyers, Doctors, Judges and Justices, mga kasamahan natin sa media at sa lahat ng mga motorista na igalang natin ang mga traffic enforcers sa lansangan at huminto tayo kapag pinapara ng mga ito. Hindi po mababawasan ang anumang estado natin sa buhay at sa lipunan kung hihinto at tatabi tayo sa kalsada kapag pinapara ng mga traffic enforcers at matuto tayo na makipag-usap sa kanila ng maayos.