PAGPAPAKAMATAY NG GRADE 12 STUDENT, IPINAALAM SA EX  

IDINUKOMENTO pa ng 17-anyos na Grade 12 student ang kanyang pagpapakamatay sa pamagitan ng pagtalon sa flyover matapos tumangging makipagbalikan ang dating nobya nito sa Silang, Cavite.

Ang biktima ay residente ng Brgy. Tibig, Silang.

Sa ulat, bandang alas-8:52 ng gabi tumalon ang biktima sa KM 32+300 CALAX, Brgy. Tibig, Silang.

Sa imbestigasyon, nag-chat umano ang biktima sa kanyang ex-girlfriend na si Nicole at nakikipagbalikan subalit tinangggihan na siya ng babae.

Nagpaalam siya na magpapakamatay at kinunan niya ito ng litrato bago tumalon sa 5.20 metro na taas ng tulay.

Tumanggi naman ang magulang ng biktima na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng anak. (Gene Adsuara)