Pagpapalakas sa koneksiyon ng internet  

KASALUKUYANG nananatiling walang access sa internet ang nasa 65 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas.

Batay ito sa huling datos na ipinalabas ng Department of Information and Communications Technology.

Sa puntong ito ay mayroong apela sa pamahalaan ang Citizen Watch Philippines.

Hinihiling ng grupo sa gobyerno ang pagpapalakas ng internet connectivity sa bansa.

Magbubunga ito ng malaking tulong para sa ikalalago ng ating ekonomiya.

Ito ay dahil dumarami ang mga online business na pinapasok gamit ang internet.

Bukod pa rito ang pagbibigay ng sapat at dagdag na kaalaman o karunungan sa mga tao.