MAYROON malaking papel na ginagampanan ang mga kawani ng ating barangay sa panahon ng pasukan sa klase.
Sila ay makikita sa bawat paaralan na ang tungkulin ay upang maalalayan hindi lamang ang mga estudyante kundi maging ang lahat para sa pagtawid.
Malaking bagay o tulong sila para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at iba pa.
Pinahihinto nila ang mga dumaraang sasakyan upang bigyang daan ang mga tumatawid.
Pero dapat ay magkakatugma sila sa kanilang ginagawang senyas o pagpapahinto sa mga sasakyan.
May pagkakataon kasi na minsan ay nagkakaiba ng pagsenyas na nagdudulot ng kalituan sa mga motorista.
Ang siste ay ikakagalit ng kanilang kasamahan na magbibitiw pa ng hindi magandang salita sa drayber.
Bukod sa pagiging mahinahon ay kailangang taglayin din ang pagiging magalang.
Ulitin natin na sila ay napakalaking bagay o tulong para sa lahat lalo na sa mga estudyante.
Kaya naman tayo ay saludo sa mga tauhang ito ng barangay.