PUSPUSAN ang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) partikular na dito sa Kalakhang Maynila sa mga tao na lumabag sa Batas na ipinaiiral sa buong Pilipinas. Dalawa ang pinagbabasehan ng PNP sa mga anti criminality operations nito, ito ay ang “Oplan Double Barrel” at “Oplan Pagtugis”.
Sa “Oplan Doube Barrel” bilang PNP operations on Anti-illegal Drugs ang mga subject ay pawang mga umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Samantalang sa “Oplan Pagtugis” ang subject ng police operations na ito ay ang lahat ng mga Most Wanted at Wanted Persons na mayroong standing warrant of arrests.
Una ito ung mga tao na inireklamo sa Korte, naakusahan at nahatulan ng korte matapos mapatunayan beyond reasonable doubt” na sila ay lumabag sa batas o nakagawa ng krimen. Pangalawa, ito ung mga tao na hindi pa natatapos ang serve ng mga pagdinig sa Korte pero mga hindi na nagpakita pa sa Korte kaya naglabas ang Korte ng Warrant of Arrest laban sa mga ito.
Tulad halimbawa sa Lungsod Quezon, nakapagtala ang Quezon City Police District (QCPD) ng 32 indibidwal na kanilang nahuli o nadakip o inaresto habang nagsasagawa ng patuloy na anti-criminality operations nitong nakalipas na ilang araw.
Ayon kay QCPD Director PBGEN Nicolas D Torre III, ang focus ng anti – criminality police operations ay mga umano’y sangkot sa illegal drugs at ung mga kabilang sa mga Most Wanted persons na mayroong mga Warrants of Arrest.
Sa Talipapa Police Station (PS 3) sa magkahiwalay na lugar ay dalawa ang naaresto ng mga tauhan ni PLTCOL Mark Janis Ballesteros. Una ay si Michael Limpin, 37 taong gulang at residente ng Barangay Sangandaan, Quezon City na inaresto bandang alas 10:20 ng umaga nuong ika-14 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Aurigue Street, Barangay Sangandaan, Quezon City at ganap na alas 11:00 ng umaga naman ay naaresto si Luis Rosco Jr., 29 taong gulang at residente ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City sa Sitio Lower Barimbao ng nasabing lugar.
Si Limpin ay mayroong kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property samantalang si Rosco Jr naman ay dahil sa paglabag sa Republic Act 9003 otherwise known as the Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Bandang alas 12:20 ng tanghali nuong February 14, 2023 pa din ay inaresto naman ng mga pulis ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTCOL Elizabeth Jasmin ang 30 taong gulang na si Ma. Kaycee Lalangan sa loob mismo ng tinitirhan nito sa Blk. 4, Lot 5, Roses Street, West Fairview, Barangay Greater Fairview, Quezon City dahil sa kasong Qualified Theft.
Sa Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ni PLTCOL Leoben Ong ay inaresto naman si Jerome Tuazon, 42 taong gulang habang ito ay nasa loob ng kanyang tinutuluyan sa Blk. 43, Lot 9, Pud Site, Barangay Escopa III, Project 4, Quezon City dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 730.
Si Michael James Gregorio, 23 taong gulang at residente ng Barangay Fairview, Quezon City habang naghihintay ng kanyang PNP Clearance sa loob ng National Police Clearance Office, 2nd Floor NGO Building, Quezon City Hall Complex ay hinainan ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ni PLTCOL Reynaldo Vitto ng Anonas Police Station (PS 9) dahil sa Violation of R.A. 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Inaresto naman ng mga tauhan ni PLTCOL Roldante Sarmiento, hepe ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sina Loreta Antivo, 45 taong gulang, residente ng Barangay Payatas B, Quezon City dahil sa paglabag sa City Ordinance 628, Series of 2016 at Noel Basco, 53 taong gulang ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City dahil naman sa paglabag sa Republic Act 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Naabutan naman ng mga tauhan ni PMAJ Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Francisco Ulep, 30 taong gulang at residente ng Barangay Central, Quezon City na may kasong kinakaharap na Violence Against Women and their Children Act of 2004 habang ito ay nakatayo sa harap ng DENR NCR sa East Avenue, Barangay Central, Quezon City. Samantalang si Lovella Villareiz, 27 taong gulang at residente ng Barangay UP Diliman, Quezon City ay pinuntahan pa ng CIDU sa Detention Facility sa Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City at hinainan ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Estafa.
Samantala, Northern Police District (NPD) sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Ponce Rogelio Peñones nabawi ng kanyang mga pulis ang isang carnap na sasakyan kamakailan kung saan dahil sa mga hot pursuit at follow up operations ng mga operatiba ng Valenzuela City Police Station sa ilalim ni PCOL Salvador Destura ay nabawi nila ang isang Toyota Vios na umano’y ninakaw habang nakaparada (stolen while parked) at itinakbo ng suspek hanggang Maynila sa loob lamang ng apat na oras buhat ng matanggap nila ang ulat hinggil sa ninakaw na sasakyan.
Ito ay pagpapakita lamang na epektibo ang management skills at management style ni PMGEN JONNEL C ESTOMO, ang butihing Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng kanyang mga District Directors ng Northern Police District (NPD); Eastern Police District (EPD); Manila Police District (MPD); Southern Police District (SPD) at Quezon City Police District (QCPD) o NEMSQ.