Panalo o talo?  

KUMALAT sa ilang post sa social media ang tungkol sa siling labuyo na sinasabing maaaring gawing gamot sa dengue.

Katanungan lamang ay ito ba ay batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa.

Panalo o talo ba kontra dengue ang siling labuyo?

Dapat ay maging mapanuri at kailangan ng ibayong pag-iingat ang publiko sa bawat nakikitang post sa social media.

Partikular na kung mayroong kinalaman sa kalusugan o ano mang uri ng sakit.

Mahalaga pa rin ang presensiya ng lehitimong manggagamot para sa paglunas sa dengue o iba pang karamdaman.

Ang dengue ay isa sa mga sakit na pamoso sa panahon ng pag-uulan kaya nararapat ang tamang kaalaman para panalo at hindi talo.