Para sa maayos na pag-aaral ng mga estudyante  

ANG tatlong bilyong pisong pondo na gagamitin sa rehabilitasyon para sa mga elementary and secondary school building ay aprubado na ng Department of Budet and Management.

Ang P1.861 billion ay unang nailabas na nanggaling sa kabuuang authorized appropriations na P4.911 billion para sa pagpapakumpini at mapaganda ang mga paaralan sa kindergarten, elementarya at sekondarya sa ilalim ng Repair All Policy.

Hiniling ng Department of Education ang nasabing pondo at ito ay ibibigay sa Department Public Works and Highways sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Maganda na nasa maayos at kumbinyenteng pasilidad ang mga mag-aaral kaya kailangan nila ito.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nga ay hangad para sa mga estudyante ang disente at komportableng pasilidad para maging maayos ang pag-aaral ng mga bata.