UMAARANGKADA ang enrollment para sa school year 2023-2024 na sinimulan nitong Agosto 7 at tatagal ng hanggang Agosto 26.
Tinutukan ito ng Department of Education kasabay ng pagtitiyak na ang lahat ng paaralan sa bansa ay nakahanda.
Kaya naman kumpiyansa ang kagawaran na mas mataas ang bilang ng mga magpapatalang mag-aaral ngayong taon.
Sa nakaraang school year ay mayroong 28.4 milyong estudyante sa 44,931 public schools habang 12,162 mag-aaral sa private schools.
Ngayong taon ay umaasa ang kagawaran na aabot sa 28.7 million hanggang 28.8 million ang enrollees.
Ang 2023-2024 school opening ay nakatakda sa darating na Agosto 29 para sa lahat ng pampublikong paaralan.
Sa mga private schools ay nasa kanilang pamunuan ang start ng klase na puwedeng mas maaga subalit dapat ay hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.