NAAKTUHAN na sumisinghot ng shabu ang lalaking pasyente at babaeng bantay nito sa loob ng ospital sa Imus City, Cavite.
Hospital arrest ang pasyeteng si alyas Jerwin at bantay nito na si alyas Rosauro makaraang naaktuhang gumagamit ng shabu sa loob ng Imus Doctors Hospital sa Brgy Anabu I-B, Imus City.
Sa ulat, nagsasagawa ng roving inpection sa loob ng ospital si Security Guard Mark Alvin Kabigting Villanueva para magpapirma sa mga watcher ng kanilang pasyente.
Pagsapit sa Room 413 ay napansin ni Villanueva sa kama ni Jerwin ang isang weighing scale at isang lighter na agad naman isiniksik sa likod ng pasyente.
Kunwari ay hindi nakita ng security guard pero agad na ini-report sa head of security ng ospital kung saan binalikan sa nasabing kuwarto.
Dito ay naaktuhan ang dalawa na sumisinghot ng hinihinalang shabu.
Narekober sa kanila ang weighing scale at lighter. GENE ADSUARA