PATULOY ang mga programa ng lehitimong gobyerno ng Republika ng Pilipinas para mahikayat ang ilang grupo at indibidwal na magbalik loob sa pamahalaan. Kamakailan lamang apat na miyembro ng Alliance of Filipino Workers (AFW), isang sectoral group ng Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko na sa gobyerno kasunod ng kanilang pagtalikod at pagbawi ng kanilang suporta sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP – NPA – NDF). Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa 9th Avenue corner 40th Street, Bonifacio Global City, Taguig City ay nagsagawa din ng kanilang Oath of Allegiance to the Philippine Government ang nasabing apat na miyembro ng AFW. Isa na naman accomplishment ito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamumuno ni PMGEN EDGAR ALAN O OKUBO, ang bagong Regional Director, NCRPO at ng Southern Police District (SPD) sa pangunguna ni PBGEN KIRBY JOHN BRION KRAFT.
Ang apat na sumuko ay sina Kathlene Ramirez, nursing attendant; Jaime Regencia, ambulance driver; Bernardo Casila Aquino, nursing attendant at Joemarie Esmedina Eusebio isang maintenance personnel.
Ayon kay PLTCOL LUISITO C ANDAYA, JR, Chief, RPIO, NCRPO naisakatuparan ang pagsuko ng apat na miyembro ng AFW sa pagtutulungan ng Special Project Team-RIU NCR; Taguig City Police Station Intelligence Section at ng Taguig CPS Substation 1.
Ang apat na sumuko ay sinasabing mga sectoral personalities na siyang nag-uudyok sa mga ordinaryong manggagawa sa Southern part ng Metro Manila ng mga damdaming kontra-gobyerno at pagsuporta sa Ideolohiyang Komunista. Sinasabing aktibo din umano ang apat sa pangangalap ng mga bagong miyembro at nakikilahok sa mga rallies / mass actions na isinasakatuparan ng mga prenteng organisasyon na pawang kasapi sa CPP.
Taos puso ang ating pagbati sa bagong NCRPO director PMGEN EDGAR ALAN O OKUBO at sa bagong Chief, PIO, NCRPO PLTCOL LUISITO C ANDAYA, JR. At binabati ko din ang mga nagdiwang ng kani-kanilang mga birthdays tulad nina PCAPT JOHANNA LAVARIAS ang PIO, QCPD; PCAPT MHARCY PINO ang Community Affairs Development Division / PIO ng Caloocan City Police Station at si PCpl Ruby Cayabyab ng DRDO, NCRPO.