NAPABALITA kamakailan ang pagkakaaresto sa operator ng peryahan na nahulihan ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya.
Sa probinsiya ito nangyari at batay sa ulat ng kapulisan ay nahuli na rin dati pa ang suspek sa katulad na kaso.
Unang pagkakaaresto at pagkalaya ay balik sa hanapbuhay na peryahan subalit balik din sa shabu.
Paano kung muling makakalaya ay balik uli sa drugs?
Tutok na lamang dapat sa peryahan at hindi samahan pa ng droga.
Marangal naman na hanapbuhay ang peryahan subalit kapag hinaluan ng bisyo ay tiyak ang perwisyo.
Sadyang maraming nalululong sa bisyo ng ipinagbabawal na gamot.
Speaking of peryahan, ay mayroon noon pwesto sa Kalakhang Maynila.
Matagal na panahon na ito, lagpas isang dekada na yata ang nakakaraan at kung hindi tayo nagkakamali ay sa Quezon City nakatayo.
Maliit na peryahan lamang pero hindi nagtagal ang operasyon at agad-agad ay binaklas din.
Sukat ba naman na ang area ay pugad ng mga durugista kaya sa peryahan minsan ay nagkakaroon ng ‘abutan ng bato’ at ang mga lintek na user ay nagti-trip at ginagawang pantaya ang shabu sa lamesa.
Sa takot ng operator ay pinatigil na lamang ang peryahan at baka nga naman pati sila ay madamay pa.
Lugi nga lamang dahil sa ibinayad na renta sa bakanteng lote na kinatirikan ng peryahan.
Pero mas mainam na iyon kaysa naman madawit pa sila.
Sa ngayon ay mayroong mga puwesto sa Quezon City at dalawa sa mga ito ay pagmamay-ari ng magkapatid.
Sana lamang ay hindi pugad ng mga drug user ang kinatatayuan ng kanilang mga puwesto.