PURO KA LANG PAPOGI

KUNG magpapatuloy sa kanyang pwesto ang isang opisyal ng gobyerno na miyembro pa man din ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr ay walang mangyayaring maganda at maayos sa pamahalaang lokal ng bansang Pilipinas.

 

Saan ka naman nakakita na hindi pa man ay gusto nang maghari-harian ng taong ito, kung tutuusin nakaka-ilang kapalpakan na ang lalaking ito… malayong malayo sa pamamalakad ng kanyang ama na naging alkalde din naman at naging boss ko pa nga sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nung ito pa ang nanunungkulan bilang Chairman ng ahensya at ni minsan hindi nito nilapastangan ang authority ika nga ng MMDA at sa halip ay sinuportahan pa nito ang mga suhestiyon ng mga opisyales at kawani ng Traffic Operations Center (TOC), Traffic Education Division (TED) at Traffic Engineering Center (TEC) ng MMDA para mas maisakatuparan ng maayos ang Batas Trapiko para sa ika-gaganda at ika-uunlad ng Kalakhang Maynila.

 

Samantalang itong kanyang “junior” naman ay puro kabulastugan ang pinag-gagagawa sa kanyang pamamalakad ng Pamahalaang Lokal ng Pilipinas. Una, duon sa pinirmahan at inilabas nito na Departnent Circular na nagsasabing tanging mga tauhan lamang at deputized agents ng Land Transportation Office (LTO) ang maaaring mangumpiska ng mga lisensya ng mga nagmamanehong motorista, kaya tuloy nagkaroon ng kalituhan sa kung ano ba talaga… hindi mo baa lam Mister Honorable Pogi na mayroong Republic Act 7924? at nitong huli nga, ay ang pag-alma nito sa mga bagong appointment na inilabas ni Chief PNP, Police GENERAL BENJAMIN ACORDA Jr.

 

Pasalamat ka Mister Honorable Papogi at hindi ako ang Heneral ng Philippine National Police. Mister Honorable Papogi pag-aralan mo mabuti ang mga Batas dito sa Pilipinas at ung ilang mga Batas patungkol sa pangangasiwa dito sa Kalakhang Maynila para hindi ganyan ang pamamalakad mo.

 

Bakit kasi ganyan kayo mga naka-pwesto ngayon sa local government mula sa gobernador pababa sa barangay kagawad… ilan na yung nakasagupa, nakasagutan at namura ko na mga opisyales ng pamahalaang lokal… umayos kasi kayo hindi yan ganyan na punong puno kayo ng kayabangan sa katawan… puro kayo PAPOGI.