Pwede bang sisihin ang Kongreso?    

MASASABI nga ba na hindi makatao at lalong hindi makatarungan ang ginagawang pagpapahubad ng mga babaing dalaw sa preso sa piitan?

Mayroong nakasalang na reklamo ang mga asawa ng mga political prisoners sa Commission on Human Rights hinggil dito.

Bunsod ng naranasang pagpapatanggal ng kanilang damit kasama underwear.

Isinasagawa rin ang ilan beses na pagpapa-squat habang hubu’t hubad.

Nagsagawa naman ng pagsisiyasat sa naturang pangyayari ang Bureau of Corrections.

Ang strip search ay mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng piitan sa bansa dahil sa sinasabing pagtaas ng bilang ng mga babaing dalaw na nahuhuling nagpupuslit ng droga na itinatago sa pribadong parte ng katawan.

Pwede rin bang ibato ang sisi sa Kongreso na kung pinayagan ang apela ng BuCor noong nakalipas na taon sa dagdag na pondo para sa pagbili ng body scanner machines ay wala sanang ganitong mga isyu?

Dito ay hindi na kailangang mag-bold o ipatanggal ang damit ng indibidwal na dalaw sa bilangguan.