PYD at Xavier School, Namahagi ng pamasko sa mga Batang basketbolista

Labis ang kasiyahan at ngiti ng mga batang basketbolista na tinaguriang future ng Pinoy basketball scene sa mga pamaskong handog na inihanda ng Philippine Youth Dreamers Organization kasama ang Xavier School San Juan High School Basketball Team.

Ang isang araw na Christmas outreach program ng dalawang organizations ay ginanap sa basketball court sa ilalim ng C5 Flyover na matatagpuan sa Salongga Street, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Bukod sa mga basketball clinics at lessons na ibinigay mula sa coaches ng PYD at players ng Xavier School, namahagi ng regalong noche buena packages, tumblers, fried chicken at juice ang mga nanguna sa outreach para sa mga batang taga-Bagong Ilog.

“Unang-una nagpapasalamat po ako sa mga parents ng players at trainers ng Xavier School Basketball Team na nagkaroon ng collaboration ng PYD Cares para sa outreach program.

Nagbigay ng konting kasiyahan at turo, may fun games at free throw shooting kung saan nabigyan ng awards and we make sure na magkaroon sila ng free meals para maiuwi sila masaya at magkaroon ng engagement na maging players someday.”, pahayag ni PYD Founder Coach Beaujing Acot.

Sa panig naman ng Barangay Bagong Ilog SK Chairperson Jessie Padit, ikinatuwa nito ang presensya ng PYD at Xavier School para ibahagi ang kaalaman nito sa basketball at magbigay ng konting saya sa mga bata.

“Salamat po sa PYD at Xavier, parang Christmas bonus sa kanila to kasi buong taon, yung mga bata na nageensayo sa court namin para maibawi nila ang kanilang hard work at inspiration nila para mahalin nila ang larong basketball na nagbunga na.”, sinabi ni Padit.

Nais rin niya na magkaroon ng long-lasting impact ang nasabing clinic at outreach program sa mga batang basketbolista maging sa kabuuan ng grassroots initiatives ng barangay kung saan nakafocus din ito sa volleyball at esports maging sa Muaythai kung saan nakapaguwi ng mga medalya ang mga batang atleta sa Batang Pinoy sa Palawan at sa MAP National Muaythai Championships sa kaparehong lungsod.
Sa huli, nais ni Coach Beaujing na bumalik muli sa nasabing court para naman sa planong pagkakaroon ng libreng paliga at major improvements sa court sa tulong ng PYD at ang mga sponsors at benefactors nito.