INAASAHANG mas maraming pulis ang itatalga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila sakaling maisakatuparan na ang “Revitalized-Pulis sa Barangay” (R-PSB).
Maganda ang programang ito na pinasimulan ni NCRPO regional director PMGEN EDGAR ALAN OKUBO.
Sa ilalim ng kanyang programang “Revitalized-Pulis sa Barangay” halos kalahati ng 24,000 pulis ng NCRPO ang magpapatrolya sa mga lansangan. Sa kasaluyan ay nasa mahigit 30 porsyento pa lamang ng pulis NCRPO ang mga nagpapatrolya sa mga lansangan.
Ayon kay PMGEN OKUBO naniniwala siya na mas ligtas ang mga mamamayan ng Metro Manila kung mayroong mga unipormadong pulis sa lahat ng kanto dito sa Kamaynilaan, siguradong kapag mayroong pulis kahit babae pa ang mga ito ay magdadalawang -isip ang mga kriminal na isakatuparan ang kanilang masamang hakbangin.
Ipinaliwanag ni PMGEN OKUBO na sa ilalim ng R-PSB, malaking bahagi ng kapulisan ang magpapatrulya sa mga lansangan at tanging mga nasa administrative work force na lamang ang maiiwan sa mga police headquarters.
Sa kasalukuyan, ay sinimulan na ni PCOL RUBEN LACUESTA ang pagsasakatuparan ng R-PSB sa Caloocan City kung saan ang Commander na lamang at mga ilang tauhan nito ang naiiwan sa mga police precincts katulad nila PCAPT ROLANDO DOMINGO.
Sa Quezon City Police District (QCPD) naman ang ginawa ni DD QCPD, PBGEN NICHOLAS TORRE III ay naglagay na ng mga pulis QCPD sa mga lugar kung saan mataas ang crime rate tulad ng mga kasong murder at homicide.
Pinag-aaralan din ni PMGEN OKUBO ang pagtatalaga ng mga babaeng pulis bilang mga desk officers sa mga police headquarters at sa mga police precincts.
oOo
Samantala, ang Secular Oblates of the Holy Family ay magtatayo ng isang Oratory / Chapel para sa debosyon kay Saint Charbel at isang Family Center sa Phase 3, Amityville, Barangay San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal. Ang Secular Oblates of the Holy Family, na isang Secular Institute ay canonically erected and established ni His Excellency, Most Reverend Emmanuel Trance DD, ang obispo ng Roman Catholic diocese of Catarman. Para po sa mga gustong tumulong, maging benefactor at magbigay ng donasyon, maaari nyo po ako tawagan.