NAPAKAHALANG katangian ng bawat tao na dapat na tinataglay ay ang respeto.
Nakikibaka o mayroong ipinaglalaban ay hindi naman nangangahulugan na wala na ang respeto.
Subalit kailangan sana, ang ipinaglalaban ay sadyang malapit sa katotohanan.
Sa kabila na batid na ang kamalian ay lumalaban pa rin ay maaaring pagpapakita ng kawalan ng respeto.
Sa ano mang kaso ng magkabilang panig kung tutuusin sa simula pa lamang ay natutukoy na ang tama at ang mali.
Pasintabi sa mahuhusay na abogado dahil sa pagtanggap at paghawak ng kaso ay batid na kung winning case ba o hindi.
Anyway, ay case to case basis o sa kung anong asunto ang pinag-uusapan o paglalabanan.
Parang ang nangyayari ay pagalingan ng abogado ang magkalaban.
Hindi naman magiging abogado ang mga iyan kung hindi magagaling.
Basta ang mahalaga naman dapat ay nananaig ang kung ano talaga ang nasa batas.
Matutong tumanggap ng pagkatalo para ang respeto ay mamayani sa puso.