Retiradong parak ‘swak’ sa kaso    

SINAMPOLAN ng retiradong pulis matapos arestuhin dahil sa paglabag sa batas trapiko at kawalan ng plaka ng kanyang sasakyan na umano’y nanutok pa ng baril sa traffic enforcer saka tumakas sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Threat, Direct Assault at Art. 151 ng Revised Penal Code and R.A. 10591 ang kinaharap ng suspek na si alyas Regino, 62, ng 44 Tallacen , Luna, La Union.  

Ayon sa nagreklamong si Marvin Salas y Era, 30, miyembro ng Bacoor Traffic Management Division, pinara niya ang sasakyan ng suspek sa kahabaan ng Molino Boulevard dahil sa paglabag sa obstruction , disregarding traffic sign at walang plaka ang behikulo pero imbes na tumalima ay itinutok ang baril saka tumakas  sa direksiyon ng Maynila. 

Humingi ng assistant ang biktima kung saan nahuli ang suspek sa Molino Bouleard, Brgy Niog, Bacoor City, bandang alas-1:45 ng hapon subalit muling pinalagan ang arresting officer dahilan upang posasan. 

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 45 pistol (Rock island,) dalawang magazine at limang bala. 

Nasa kustodiya ng Bacoor Component City Police Station ang nasabing retiradong police officer. (Gene Adsuara)