OPENING CEREMONY AND AWARDING 1ST PMA MASIKHAY RAPID CHESS TOURNAMENT
PINANGUNAHAN ng traditional ceremonial moves nila PMA Masikhay Class of 1999 President Cav Joey Baybayan (kanan), nakipagkamay sa TV actor na si Jao Mapa, bago pasimulan ang 1st PMA Masikhay Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa 3rd level Wellness Space, SM City BF Parañaque. Kasama sa larawan sina GM Darwin Laylo, Cav Ervin Divinagracia, IM Ronald Dableo at Cav Darwin De Luna. Ibabang larawan tumanggap ng kanya-kanyang premyo ang nagwagi sa top 3 (gitna) champion Chester Reyes, (kanan) 2nd place at (kaliwa) 3rd place Mark Gerald Reyes.
na pinagkaloob ng mga opisyal. (REY NILLAMA)
TINANGHAL na kampeon si Chester Neil Reyes ng Rodriguez, Rizal makaraang pangunahan ang kalamangan sa iskor na 7.0 puntos para pagharian ang katatapos na 1st PMA Masikhay Open Rapid Chess Tournament na ginanap kamakailan lamang sa 3rd level Wellness Space, SM City BF Parañaque.
Binuksan ni Reyes ang kanyang kampanya na may panalo kay Evan Meneses pagkatapos ay sinundan ito ng mga tagumpay laban kina Marlon Aurellano Balbaboco Jr., AIM Cyrus Vladimir Francisco, Godfrey Villamor, FM Christian Mark Daluz, FM Alekhine Nouri at Philip Octaviano.
Ang kanyang paglahok ay isang testamento ng kanyang kahusayan sa King’s Indian Defense Opening. Kung saan ay nakatanggap si Reyes ng P10,000 cash prize plus plaque trophy at isang gintong medalya para sa kanyang pagsisikap sa 1-araw na rapid tournament, na inorganisa ng PMA Masikhay Class of 1999, sa mahigpit na pakikipagtulungan sa SM City BF Parañaque, IIEE at Bayanihan Chess Club. “I am happy for winning the 1st PMA Masikhay Open Rapid Chess Tournament.
I wish that my luck will remain the same in my next tournament,” said the 19-year-old Reyes, a 2nd year College Student taking up College of Information at Computer Science sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Samantala tinalo ni Grandmaster Darwin Laylo ng Tondo, Manila si Kevin Arquero ng Pasay City sa huling round para pumangalawa sa 6.5 puntos. Ang University of Santo Tomas chess team coach ay may anim na panalo at isang tabla at nagbulsa ng P7,000 at isang silver medal.
Habang kapwa tumapos naman sina Mark Gerald Reyes ng Rodriguez, Rizal, Melito Ocsan Jr. ng Makati City at AIM Cyrus Vladimir Francisco ng Pasig City na may magkaparehong 6.0 puntos. Gayunpaman, matapos mailapat ang mga tie break points, pumangatlo si Mark Gerald, pumang apat si Ocsan at panglima si Francisco na nagbulsa ng P5,000, P3,000 at P2,000 at isang medalya, ayon sa pagkakasunod.
Pasok naman sa top 15 ang mga nakakuha ng tig-P1,000 ay sina Nouri, Octaviano, Lee Roi Palma, NM Romeo Alcodia, IM Ronald Dableo, Arquero, Nelson Busa Jr., IM Barlo Nadera, Villamor at NM Angele Tenshi Biete. Nakuha ni Chess Wizard Marco Piolo Sanido ang top kiddie award habang si IM Jose Efren Bagamasbad ang nakakuha ng top senior at napasakamay ni Atty. Rodolfo Enrique “Rudy” Rivera ang nangungunang kategorya ng PWD. (Marlon Bernardino)