ARESTADO ang lalaking nagpanggap na buyer ng motorsiklo na dapat ay road test lang subalit tuluyang tinangay sa Silang, Cavite.
Nasa kustodiya ng Silang Municipal Police Station ang suspek na si alias John dahil sa reklamo ng biktima na si alyas JR.
Sa salaysay ni JR, nag-post siya sa Marketpace apps para sa ibinebenta niyang motorsiklo na Susuki Raider na may plakang ND76558.
Tumugon ang suspek at nagkasundong magkita sa Brgy Tubuan 2, Silang bandang alas-7:30 ng gabi.
Hiniling ng suspek kung puwedeng road test ang motorsiklo at pumayag naman ang biktima.
Inabot na ng ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang suspek dahilan upang ireport nito sa pulisya.
Base sa ilang impormasyon na nakuha mula sa suspek ay nagsagawa ng follow up operation na nagresulta sa pagkakaaresto nito at pagkakarekober ng nasabing motorisklo. GENE ADSUARA