Sa huli ang pagsisisi

SA darating na Abril 26 nakatakda ang deadline para sa pagpaparehistro ng subscriber identity module o sim cards.

Umaabot pa lamang sa mahigit 36 porsiyento ang bilang ng sim cards ang naiparehistro sa buong bansa.

Batay ito sa inilabas na kalatas nitong nakaraang linggo ng Department of Information and Communications Technology.

Higit sa animnapu’t apat na milyong (64-M) sim cards pa lamang ang naiparehistro at sa pagsapit ng eksaktong 12:01 sa Abril 27 ay otomatikong mapuputol ang linya ng mga hindi nakapagparehistro.

Mangyayari ito bunsod ng pagwawalang-bahala at kapabayaan o sa katamaran dahil umaasa sa pagkakaroon ng ekstensiyon.

Ilang araw na lamang ang nalalabi at dapat ay samantalahin na upang hindi sapitin ang katagang ‘nasa huli ang pagsisi.’