Sa Kawit ay kaakit-akit  

NAGDULOT ng pagkamangha at labis na kasiyahan sa mga dumalo at sumaksi sa Christmas Lighting Ceremony na kada taon ay ginagawa ng pamahalaang lokal ng Kawit, Cavite.

Ang nasabing pagpapailaw ay ginanap nitong Nobyembre 29 sa Aguinaldo Freedom Park.

Dama ang malasakit sa Kawit ng tunay na kahulugan o diwa ng kapaskuhan.

Kinabukasan naman, Nobyembre 30 ay isinagawa ang pagpapailaw sa Simbahan ng Kawit.

Nagdaos muna ng banal na misa at pagkatapos ay isinunod na ang pagpapailaw.

Bago ang mga makasaysayang pagpapailaw, nitong nakaraang Nobyemre 16 ay ipinadama rin sa tinaguriang ‘KawitBulilits’ ang kasiyahan sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad sa nasabing parke.

Ang nabanggit na aktibidad para sa mga bata ay bilang pagkilala ng Kawit LGU sa National Children’s Month 2024.

Speaking of Kawit LGU, isang pagbati sa Municipal Assessor’s Office sa pagkakasungkit ng ikatlong puwesto para sa Bureau of Internal Revenue’s Year-end Assessment Conference, Awarding of Top-Performing LGUs, and Wellness Program.

Sa Kawit ay sadyang kaakit-akit kaya samantalahin ang pagpunta sa Freedom Park ngayong holiday seasons.

Hindi lamang ang mga mata ang mabubusog sa mga naggagandahang dekorasyong pampasko bagkus pati ang tiyan dahil sa mga masasarap na pagkain.

‘Taralets…